Ang Buhay sa Gitnang Silangan

June 1st, 2008 by edres

Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang layunin
Masagana at maayos na  buhay nais abutin
Pagpunta sa Saudi sagot sa panalangin
Upang nakangiting bukas ay kamtin

Di alintana ang mainit na klima
Lahat ay gagawin para sa pamilya
Kung kaya nga lang diba?
Matugunan lamang pangangailangan nila

Biktima ng ahensyang kay tamis mangusap
Sa first timer na aplikanteng kanilang tinatanggap
Sabi’y masarap na buhay sa Saudi iyong malalasap
Yon pala’y walang katuturan, kailangan ay pagpupunyagi at sikap,

Sweldo na kakarampot wangis sa naiwang trabaho
Para san pa at nandito ako?
Kahit 24 oras magbanat ng buto, kulang parin pare ko
Hanggang kailan ba ang pagtitiis na ito?

Sa bansang ito’y dapat disiplanado
Alak, baboy, babae at disco haram dito
Bawal lumakad mag isa patay ka sa arabo
Kung ayaw mong masira talikuran mo

Araw at gabi isip ay di mapakali
Laging nagmumuni- muni
Dahila’y di mawari
Ano nga ba talaga pare?

Sahud sa bawat buwan
Laging  nakalaan
Sa obligasyon at utang na dapat bayaran
Agarang padala ay kinakailangan

Wala man lang naiiwang pera sa bulsa
Kahit isang halala di malagay sa alkansiya
Sandata ay panalangin at pagpapasensya
Sa ganitong klaseng buhay meron ka

Mga mahal sa buhay minsa’y nakakalimut sa atin
Text na piso sa roaming pinagkakait pa mandin
Nais lang naman natin tayo ay kumustahin
Isang simpleng bagay na makapagpapasaya sa puso natin

Kung alam lamang nila ang buhay na ating tinatamasa
Mga sahud ay iba-iba, kontrata ay binago pa
Nakakapanlumo at nakakawalang gana
Qualification mo’y walang kwenta, pero no choice ikaw ay nandito na

Ang akala mong kompanyang maganda
Pulitika ang nangingibabaw at nangunguna
Kung may relatives at kakilala interview ay wala na, offer sayo’y kakaiba
Experience ay balewala  sa kanila

Kaya aming hiling sa Diyos na mahabagin
Sanay dinggin aming panalangin
Maganda at nakangiting bukas ibigay sa amin
Mga taong ganid at sakim sa kapangyarihan ay patawarin, pusot isipan nilay linisin.

dalawang gabing makulay at maningning

November 1st, 2006 by edres

unang gabi ko noon sa rizal prom kasama mga barkada na tagal din ‘di nakasama

harutan doon, tawanan dito, sayawan, kantahan palipat lipat lang

umaga na ng kami’y umuwi at namahinga galing bankerohan, puto maya’t mainit na choco aming agahan

dina nakuhang maghilamos pa sapagkat mga unan at malamig na aircon nag aanyaya, na sila’y sabayan sa ritmo at musikang dala ng radyo

kinabukasan walang ginawa kundi ang kumain at magpahinga kasama c edward na nooy nag iisa

c daby nagtext na pupunta, gawa nyang tsinelas kanyang dala dala, sakin ay ibibigay nya

ako’y dali daling nagbangon at tinungo ang banyo, dala ng malamig na tubig na bumubuhos sa bawat himaymay ng aking balat na sinabayan ng kantang wala sa tono buti nalang ang kantang yon ay aking paborito

habang ako’y nagbibihis si daby ay naghihintay malapit sa tanggapan nag gsis

tinext ko syang mag antay..ilang saglit pa ay nasilayan ko na sya, kaya’t kinamayan ko syang tumabi sa tabi ko..nag usap at kunting tawanan lang na nauwi sa kanyang pagpapaalam, sinabayan ko nalang ng tingin ang jeep na lulan sya na gmol ang nakamarka

isang matatamis na ngiti aming pinakawalan sa isa’t isa ng kami’y maghiwalay na, agad akong umuwi sa bording haws natulog muli

gabi na ng ako’y magising dala ng isang malaking katok mula sa pinto

c cyrian ang tumambad sa mga mata kong pilit na ibinubuka,

sya’y nag aanyayang bumili ng ulam sa labasan upang sabay kami mag hapunan

busog na busog kami ng gabing yon, nagpahinga ng ilang minuto at nagkayayaang doon matulog sa bolton extension agad akong sumang-ayon sa kanyang apila sapagkat terminal papuntang tagum doo’y malapit na

sa ikalawang gabing makulay,

sa di inaasahang pangyayari pinalipad ko ang isang mensaheng nag aanyaya sa katext kong nagcocomputer games pala

pilit ko syang inimbita na sa akin ay makipagkita na noon palay abala

kaya pala minsan lang magrply sa text kong pinapa fly

aming napagpasyahan sa city library ng davao magkikita

akala ko noon ayaw nya sapagkat minsa’y pasaway din kasi cya

nauna sya sa akin, pinag antay ng mejo may katagalan kaya’t cyay muntik ng magpaalam,

hatinggabi na ng magkrus ang aming landas, dinatnan ko cyang nag iisa at nakikinig sa mp3 nyang dala

agad akong nagpakilala ganun din naman cya, nauwi sa kainan aming usapan pagkat sikmura nya’y kumakalam tinungo namin ang doo’y mga barbequeng nakabelandra,

nag order cya at sinabayan ko syang kumain waitress na noo’y nkatingin sa amin ay may dalang softdrinks na pop cola paman din

binaybay namin ang kahabaan ng bolton extension dala ng kunting tawa at pag uusap na me dalang pagkikimi at pagkahiya sa bawat isa

sa mapupusyaw nyang mata talagang mapapa uhmm ka

mga labi nyang cute at mapupula na animoy makopa tlagang napakadelicious nya

mula 12:00 o’clock ng umaga kasabay ko cya…

sa kamang  ma’y kaliitan kami’y nagkasya

usapan kami hanggang magdamag

na nauwi sa pagpaligo sa banyong walang shampong nakalagay

hinatid ko sya ng 4:00 o clock ng umaga dahil mama nya’y naghahanap na

crossing matina rota nya..ang saya namin ay sobra sobra

tanong ko lang kelan pa mauulit ang sandaling yon..

grabe dalawang gabing maningning hangad koy dugtungan ang sayang walang mapagsidlan…

 

Natry mo na ba to?

September 17th, 2006 by edres

Lunes ng umaga ng ako’y magising habang bukang liwayway ay paparating

alintana ko noon ang lamig na dumadampi sa hibla ng aking katawan kung kaya’t pati puwet ay himbing na himbing sa pagkakatulog

Isang malakas at matigas na tinig ang sa akin ay nagpamulat na sa wari ko’y si amang galit na galit

Buti nalang at yon ay tumagal lamang ng ilang segundo at ako’y di na istorbo

Pero ako’y nagsisisi sa di pagmulat at bangon sapagkat wala palang ilaw at walang tubig, pano nato?unang araw ng linggo walang paligo ang kaibigan nyo?

Ako noon ay nanlumo baka kasi akoy di maka paligo buti nalang angel ang sis ko

May tubig pala sa isang malaking drum at iyo’y naghihintay lamang na salukin at galawin

Natry nyo naba to?at ang mas matindi yung pumasok ka sa tanggapan na di plantsado uniporme mo

Pero ok lang carry ng inyong kaibigan at di naman halatang di na kuryente

alang agahan at malapit ng malate sa convocation

Nagpahatid pero tagal magstart ng sasakyan kaylangan pang itulak..huhuhu

BUti nalang di nalate..hehehe NATRY NYO NATO?korny no?hehehe

 

bakit nga ba?

September 13th, 2006 by edres

bakit nga ba my mga bagay na kahit gustuhin man natin kamtin at angkinin ay sadyang kay hirap abutin. Totoo ba, na talagang may nakalaan na para sa atin, na kahit ano pang pagpupunyagi at pagsisikap ang ating gawin ay sadyang doon nalang tayo?kayo mga kaibigan naranasan nyo nabang mabigo sa isang bagay na iyong inaasam?ginawa mo nga ang lahat ngunit sadyang kay pait ng kapalaran at di pinagkalood ng tadhana..Hay nako..talaga bang magpapatianod nalang ako sa sinasabing guhit ng kapalaran o may magagawa pa?Saan at papaano ako magsisimula?ano ang unang hakbang tungo sa matamis at nakangiting bukas?May liwanag paba sa karimlang aking tinatamasa?Sana nga lang meron pa at ako’y sadyang nanlulumo na at nawawalan na ng sigla upang ipagpatuloy pa ang pakikibaka kung saan diko alam san ang sukdulan…sadyang kay pait pala at sakit kung lagi nalang kabiguan..sana sa aking paggising isang araw bago paman ang bukang liwayway ay isang magandang umaga at simula ang sa dako paroo’y naghihintay…