bakit nga ba?

bakit nga ba my mga bagay na kahit gustuhin man natin kamtin at angkinin ay sadyang kay hirap abutin. Totoo ba, na talagang may nakalaan na para sa atin, na kahit ano pang pagpupunyagi at pagsisikap ang ating gawin ay sadyang doon nalang tayo?kayo mga kaibigan naranasan nyo nabang mabigo sa isang bagay na iyong inaasam?ginawa mo nga ang lahat ngunit sadyang kay pait ng kapalaran at di pinagkalood ng tadhana..Hay nako..talaga bang magpapatianod nalang ako sa sinasabing guhit ng kapalaran o may magagawa pa?Saan at papaano ako magsisimula?ano ang unang hakbang tungo sa matamis at nakangiting bukas?May liwanag paba sa karimlang aking tinatamasa?Sana nga lang meron pa at ako’y sadyang nanlulumo na at nawawalan na ng sigla upang ipagpatuloy pa ang pakikibaka kung saan diko alam san ang sukdulan…sadyang kay pait pala at sakit kung lagi nalang kabiguan..sana sa aking paggising isang araw bago paman ang bukang liwayway ay isang magandang umaga at simula ang sa dako paroo’y naghihintay…

Leave a Reply