dalawang gabing makulay at maningning

unang gabi ko noon sa rizal prom kasama mga barkada na tagal din ‘di nakasama

harutan doon, tawanan dito, sayawan, kantahan palipat lipat lang

umaga na ng kami’y umuwi at namahinga galing bankerohan, puto maya’t mainit na choco aming agahan

dina nakuhang maghilamos pa sapagkat mga unan at malamig na aircon nag aanyaya, na sila’y sabayan sa ritmo at musikang dala ng radyo

kinabukasan walang ginawa kundi ang kumain at magpahinga kasama c edward na nooy nag iisa

c daby nagtext na pupunta, gawa nyang tsinelas kanyang dala dala, sakin ay ibibigay nya

ako’y dali daling nagbangon at tinungo ang banyo, dala ng malamig na tubig na bumubuhos sa bawat himaymay ng aking balat na sinabayan ng kantang wala sa tono buti nalang ang kantang yon ay aking paborito

habang ako’y nagbibihis si daby ay naghihintay malapit sa tanggapan nag gsis

tinext ko syang mag antay..ilang saglit pa ay nasilayan ko na sya, kaya’t kinamayan ko syang tumabi sa tabi ko..nag usap at kunting tawanan lang na nauwi sa kanyang pagpapaalam, sinabayan ko nalang ng tingin ang jeep na lulan sya na gmol ang nakamarka

isang matatamis na ngiti aming pinakawalan sa isa’t isa ng kami’y maghiwalay na, agad akong umuwi sa bording haws natulog muli

gabi na ng ako’y magising dala ng isang malaking katok mula sa pinto

c cyrian ang tumambad sa mga mata kong pilit na ibinubuka,

sya’y nag aanyayang bumili ng ulam sa labasan upang sabay kami mag hapunan

busog na busog kami ng gabing yon, nagpahinga ng ilang minuto at nagkayayaang doon matulog sa bolton extension agad akong sumang-ayon sa kanyang apila sapagkat terminal papuntang tagum doo’y malapit na

sa ikalawang gabing makulay,

sa di inaasahang pangyayari pinalipad ko ang isang mensaheng nag aanyaya sa katext kong nagcocomputer games pala

pilit ko syang inimbita na sa akin ay makipagkita na noon palay abala

kaya pala minsan lang magrply sa text kong pinapa fly

aming napagpasyahan sa city library ng davao magkikita

akala ko noon ayaw nya sapagkat minsa’y pasaway din kasi cya

nauna sya sa akin, pinag antay ng mejo may katagalan kaya’t cyay muntik ng magpaalam,

hatinggabi na ng magkrus ang aming landas, dinatnan ko cyang nag iisa at nakikinig sa mp3 nyang dala

agad akong nagpakilala ganun din naman cya, nauwi sa kainan aming usapan pagkat sikmura nya’y kumakalam tinungo namin ang doo’y mga barbequeng nakabelandra,

nag order cya at sinabayan ko syang kumain waitress na noo’y nkatingin sa amin ay may dalang softdrinks na pop cola paman din

binaybay namin ang kahabaan ng bolton extension dala ng kunting tawa at pag uusap na me dalang pagkikimi at pagkahiya sa bawat isa

sa mapupusyaw nyang mata talagang mapapa uhmm ka

mga labi nyang cute at mapupula na animoy makopa tlagang napakadelicious nya

mula 12:00 o’clock ng umaga kasabay ko cya…

sa kamang  ma’y kaliitan kami’y nagkasya

usapan kami hanggang magdamag

na nauwi sa pagpaligo sa banyong walang shampong nakalagay

hinatid ko sya ng 4:00 o clock ng umaga dahil mama nya’y naghahanap na

crossing matina rota nya..ang saya namin ay sobra sobra

tanong ko lang kelan pa mauulit ang sandaling yon..

grabe dalawang gabing maningning hangad koy dugtungan ang sayang walang mapagsidlan…

 

Leave a Reply