Ang Buhay sa Gitnang Silangan
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang layunin
Masagana at maayos na buhay nais abutin
Pagpunta sa Saudi sagot sa panalangin
Upang nakangiting bukas ay kamtin
Di alintana ang mainit na klima
Lahat ay gagawin para sa pamilya
Kung kaya nga lang diba?
Matugunan lamang pangangailangan nila
Biktima ng ahensyang kay tamis mangusap
Sa first timer na aplikanteng kanilang tinatanggap
Sabi’y masarap na buhay sa Saudi iyong malalasap
Yon pala’y walang katuturan, kailangan ay pagpupunyagi at sikap,
Sweldo na kakarampot wangis sa naiwang trabaho
Para san pa at nandito ako?
Kahit 24 oras magbanat ng buto, kulang parin pare ko
Hanggang kailan ba ang pagtitiis na ito?
Sa bansang ito’y dapat disiplanado
Alak, baboy, babae at disco haram dito
Bawal lumakad mag isa patay ka sa arabo
Kung ayaw mong masira talikuran mo
Araw at gabi isip ay di mapakali
Laging nagmumuni- muni
Dahila’y di mawari
Ano nga ba talaga pare?
Sahud sa bawat buwan
Laging nakalaan
Sa obligasyon at utang na dapat bayaran
Agarang padala ay kinakailangan
Wala man lang naiiwang pera sa bulsa
Kahit isang halala di malagay sa alkansiya
Sandata ay panalangin at pagpapasensya
Sa ganitong klaseng buhay meron ka
Mga mahal sa buhay minsa’y nakakalimut sa atin
Text na piso sa roaming pinagkakait pa mandin
Nais lang naman natin tayo ay kumustahin
Isang simpleng bagay na makapagpapasaya sa puso natin
Kung alam lamang nila ang buhay na ating tinatamasa
Mga sahud ay iba-iba, kontrata ay binago pa
Nakakapanlumo at nakakawalang gana
Qualification mo’y walang kwenta, pero no choice ikaw ay nandito na
Ang akala mong kompanyang maganda
Pulitika ang nangingibabaw at nangunguna
Kung may relatives at kakilala interview ay wala na, offer sayo’y kakaiba
Experience ay balewala sa kanila
Kaya aming hiling sa Diyos na mahabagin
Sanay dinggin aming panalangin
Maganda at nakangiting bukas ibigay sa amin
Mga taong ganid at sakim sa kapangyarihan ay patawarin, pusot isipan nilay linisin.
December 2nd, 2008 at 10:22 am
Тема ну просто пиздец.
Неужели ничего поактуальней не нашлось?
December 25th, 2008 at 1:48 am
Wow,super site here!
December 26th, 2008 at 3:58 am
Perfect work!Keep posting